Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol

Description

Araling Panlipunan (Kab. III: Pagbabagong Kultural sa Pamahalaang Kolonyal) Flashcards on Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol, created by Rose Tabije on 25/01/2020.
Rose Tabije
Flashcards by Rose Tabije, updated more than 1 year ago
Rose Tabije
Created by Rose Tabije almost 5 years ago
1829
0

Resource summary

Question Answer
Malaking sasakyang-dagat ng mga Espanyol. GALYON
Kalakalang-galyon mula Maynila patungong Acapulco, Mexico at pabalik at naglalakbay minsan lang sa isang taon. KALAKALANG MAYNILA-ACAPULCO (MANILA-ACAPULCO TRADE)
Kalakalang monopolyo ng pamahalaang Espanyol o ibig-sabihin, isinara sa ibang bansa ang kalakalan sa Maynila maliban sa Mexico. KALAKALANG MAYNILA-ACAPULCO (MANILA-ACAPULCO TRADE)
Ang nangasiwa sa Kalakalang-Galyon. PAMAHALAANG ESPANYOL
Ang Mga Kalahok sa Kalakalang-Galyon Tanging mga may boleta o tiket
Ang Paglalarawan sa Pagdiriwang sa Pag-alis at Pagdating ng Galyon 1. May palamuti at tugtugan sa Maynila. 2. May misang idinaraos bilang pasasalamat sa ligtas na paglalakbay nito.
Dahilan sa Pagdiriwang sa Bawat Pagdating o Pag-alis ng Galyon Matagal at mapanganib ang paglalakbay ng galyon.
Mga Panganib sa Paglalakbay ng Galyon 1. May namamatay at nagkakasakit sa paglalakbay. 2. Maaari din itong masiraan, lumubog o mapagnakawan ng mga pirata.
Ang Tagal ng Pagbiyahe ng Galyon ISANG TAON
Ang katunayan ng pagmamay-ari ng mga kalakal. BOLETA O TIKET
Ang Halaga ng Isang Boleta o Tiket 250 Mexican Peso
Ang Tubo sa Kalakalang Galyon MALAKI. Umaabot sa 100 hanggang 300 porsiyentong kita kaya marami ang lumahok dito.
Ang Ginagawa ng Mga Kalahok sa Kalakalang Galyon Upang Mamuhunan Nangungutang sa Obras Pias
Ang institusyong itinayo para sa pagkakawanggawa. OBRAS PIAS
Ang Pinanggalingan ng Pondo ng Obras Pias Mula sa tulong sa simbahan na bigay ng mga mayayamang tao. (Donasyon)
Ang Patutunguhan ng Pondo ng Obras Pias 1. Ang pondo ay inilaan sa paggawa ng ospital, paaralan at pantulong sa mga mahihirap, at may sakit. 2. Ginawang bangkong pangkomersyal ang Obras Pias at ang pondo ay ipinautang sa mga mangangalakal na may malaking patubo o interes.
Ang Nangyari sa Obras Pias Nalugi dahil maraming utang ang hindi nabayaran.
Mga Magagandang Epekto ng Kalakalan (1 - 2) 1. Nadagdagan ang kita na ipinantustos sa pagpapanatili ng Kristiyanismo (Katolisismo) sa bansa at pamamahala ng pamahalaang Espanyol. 2. Nakilala ang Pilipinas sa pandaigdig na nagbigay-daan sa mga dayuhang kompanyang mamuhunan sa bansa.
Mga Magagandang Epekto ng Kalakalan (3 - 4) 3. Nakakating sa bansa ang mga makabagong ideya at teknolohiya mula sa Mexico at Espanya. 4. Nagpakilala ito sa pagiging mahusay at malikhain ng mga Pilipino sa paggawa ng mga barko at magaganda ng produkto.
Mga Di-Magandang Epekto ng Kalakalan (1 - 2) 1. Napabayaan ang pagsasaka na dahilan ng kakulangan sa suplay ng pagkain. 2. Bumagal ang pag-unlad ng ibang kabuhayan at lalawigan dahil sa sobrang tutok sa kalakalan.
Mga Di-Magandang Epekto ng Kalakalan (#3) 3. Mga mayayamang Espanyol lamang at ilang may pribilehiyo ang nakinabang dito. Itong kalakalan ay nagbunga ng mga katiwalian at pang-aabuso sa mga Pilipino sa pagkat kailangang maparami nila ang mga produktong iniluluwas na binibili sa murang halaga.
Ang Kinahinatnan/Nangyari sa Kalakalang Galyon Binuwag ng Hari ng Espanya dahil sa di magandang epekto.
Taong binuwag ang Kalakalang Galyon 1815
Mga Puna sa Kalakalang Galyon Ang sabi ng iba, mabuting napabayaan ng mga Espanyol ang pagtuklas ng likas na yaman ng bansa at hindi nila nalinang ang industriya ng pagmimina dahilan para hindi maubos ang ginto sa bansa.
Ang pinakahuling galyon na sumali sa kalakalan. GALYONG MAGALLANES
Ang galyong umalis sa Maynila noong 1811 at nakabalik lamang noong 1815. GALYONG MAGALLANES
Mga Imaheng Buhat sa Mexico na dumaan sa Kalakalang Galyon 1. Our Lady of Peace and Good Voyage, Antipolo 2. Nazarenong Itim, Quiapo 3. Our Lady of Guadalupe, Pagsanjan
Mga Naging Impluwensya ng Kalakalan sa Buhay ng Mga Pilipino (1 - 2) Pagdating ng iba't ibang tradisyon tulad ng: 1. Pagpapabasbas ng mga hayop at halaman sa pari 2. Paglalagay ng mga belen sa tahanan tuwing Pasko
Mga Naging Impluwensya ng Kalakalan sa Buhay ng Mga Pilipino (3 - 4) 3. Paggamit ng mga instrumentong gaya ng gitara, plawta, tambol, trumpeta, at biyolin 4. Pagpapakilala ng mga sayaw na curacha at pandanggo sa sambalilo
Ng Ginawang Pang-ekonomiko ni Jose Basco y Vargas sa Pilipinas Nagsumikap mapaunlad ang kabuhayan ng bansa upang makapagsarili at hindi umaasa sa tulong ng Espanya at Mexico.
Mga Patakarang Pangkabuhayan ni Jose Basco y Vargas 1. Pangkalahatang Pangkabuhayang Plano (PPP) 2. Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Pangkabuhayang Samahan ng Mga Kaibigan ng Bayan) 3. Monopolyo ng Tabako 4. Real Compania de Filipinos
Itinatag upang mahikayat ang mga tao sa pagtatanim ng bulak at pampalasa; magmina ng ginto, bakal, at tanso; at lumikha ng mga bagong imbensyon. Dahil dito binibigyan ng gantimpala ang mga nangunguna. PANGKALAHATANG PANGKABUHAYANG PLANO (PPP)
Mga Epekto ng Pangkalahatang Pangkabuhayang Plano (PPP) 1. Ipinagbawal ang pagsamsam ng mga nagpautang ang mga lupang pansakahan, kalabaw, at iba pang kagamitan sa pagsasaka. 2. Ipinagbawal ang pag-aresto at pagpapakulong sa mga magsasaka sa panahon ng anihan.
Bahagi ng PPP na itinatag noong April 26, 1781 SOCIEDED ECONOMICA DE LOS AMIGOS DEL PAIS (PANGKABUHAYANG SAMAHAN NG MGA KAIBIGAN NG BAYAN)
Mga Ginampanan Ng Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Pangkabuhayang Samahan ng Mga Kaibigan ng Bayan) (1 - 5) 1. Pagluluwas ng indigo sa Europa 2. Pagbili ng ibong martinez mula sa Tsina 3. Pagbibigay ng libreng pag-aaral 4. Pag-aangkat ng mga bagong makinarya sa pagkiskis ng palay 5. Pagbibigay ng gantimpala sa ilang natatanging Pilipinong imbentor noong panahong iyon
Mga Ginampanan ng Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Pangkabuhayang Samahan ng Mga Kaibigan ng Bayan) (6 - 7) 6. Pagtatatag ng unang paaralang agrikultural sa Maynila 7. Pagpapasimula ng pagtatanim ng tsaa, bulak, poppy (pinagkatasan ng opyo) at puno ng mulberry.
Monopolyo na itinatag ni Basco noong Marso 1, 1782 MONOPOLYO NG TABAKO
Ang maaaring itanim sa mga lalawigan ng Cagayan, Nueva Ecija, Marinduque, at Ilocos sa Monopolyo ng Tabako. TABAKO LAMANG
Ang Alituntunin ng Monopolyo ng Tabako sa Mga Pilipino 1. Bawat pamilya ay may kota na dapat anihin sa loob ng isang taon. 2. May multa o kabayaran sa mga hindi makatutupad. 3. Ang pamahalaan lamang ang may karapatang bumili ng mga tabako.
Ang Tagal ng Monopolyo ng Tabako 100 TAON
Mga Epekto ng Monopolyo ng Tabako (1 - 3) 1. Malaki ang kita ng pamahalaan 2. Nakilala ang Pilipinas na pinakamagaling sa produktong tabako 3. Nagdulot ng kagutuman sa maraming Pilipino dahil nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain
Mga Epekto ng Monopolyo ng Tabako (4 - 5) 4. Natutong manigarilyo ang mga Pilipino 5. Nagdulot ng pagmamalabis ng mga opisyal na lalong nagpahirap sa mga Pilipino
Korporasyong itinatag noong Marso 10, 1785 REAL COMPANIA DE FILIPINAS (ROYAL COMPANY OF THE PHILIPPINES)
Ang Layunin ng Real Compania de Filipinas o Royal Company of the Philippines. Itaguyod ang kalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at mapaunlad ang industriya at agrikultura ng bansa.
Ang Kinahinatnan ng Real Compania de Filipinas Nagtagumpay ang unang bahagi ng kalakalan ngunit nalugi rin ito dahil sa mahinang pangangasiwa ng mga pinuno.
Araw na nabuwag ang kompanya at nagkaroon ng malayang kalakalan. SETYEMBRE 6, 1834
Ang Dahilan ng Pagkabigo ng Mga Patakaran ni Basco Hindi makatarungan ang pagpapatupad ng ilang pinuno sa mga ito.
Show full summary Hide full summary

Similar

Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije
Grade 5 music theory - Italian terms
Sarah Hyde
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Problema ni Moymoy Matsing
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios)
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 1: Tatay Felix, Huwarang Ama
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Nasayang na Kahilingan
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga
Rose Tabije