Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real

Description

Araling Panlipunan (Kab. II: Pamunuang Kolonyal ng Espanya (Ika 16 - 17 Siglo)) Flashcards on Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real, created by Rose Tabije on 07/12/2019.
Rose Tabije
Flashcards by Rose Tabije, updated more than 1 year ago
Rose Tabije
Created by Rose Tabije almost 5 years ago
5356
0

Resource summary

Question Answer
Ang kasunduan ng hari ng Espanya at ng Santo Papa sa Roma na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga lupaing sakop ng Espanya. PATRONATO REAL
Titulo ng hari ng Espanya sa kasunduang Patronato Real. REAL PATRON
Ang itinalaga ng Santo Papa na Real Patron sa kasunduang Patronato Real. HARI NG ESPANYA
Ang pinagkalooban ng kapangyarihang pumili at magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya ng Espanya. REAL PATRON
Ang Epekto ng Patronato Real Nagkaroon ng pagsasanib o ugnayan ang Estado at Simbahan kaya ang mga misyonerong Katoliko o Kristiyano kung itinalaga ay nagkaroon ng kapangyarihang politikal (tungkuling mamuno).
Ang itinalaga ng Santo Papa na Vice Real Patron sa kasunduang Patronato Real. Gobernador-Heneral
Titulo ng Gobernador-Heneral sa kasunduang Patronato Real. VICE REAL PATRON
Ang pinagkalooban ng kapangyarihang pumili at magtalaga ng mga kura-parroko sa mga bakanteng parokya sa bansa. VICE REAL PATRON
Ang pinagkalooban ng tungkulin na pangunahan ang mga gawaing pangmisyonero sa lugar ng nasasakupan niya. VICE REAL PATRON
Ang mga relihiyosong misyonero na inatasang magpalaganap ng paniniwalang Katolisismo at binigyang tungkulin ng pamamahalang espiritwal sa mga lalawigan. 1. Agustino 2. Pransiskano 3. Dominiko 4. Heswita 5. Rekoleto
Ang Ginampanang Papel ng Mga Misyonero sa Pagkakatatag ng Pamamahala ng Mga Espanyol sa Pilipinas. (1 - 2) 1. Ipinagtanggol nila ang mga mamamayan laban sa pagmamalabis ng ilang mga encomendero at ibang opisyal. 2. Nagtatag sila ng mga paaralan, ospital, mga tanggulan, gusali, imbakan ng tubig, mga daan at tulay.
Ang Ginampanang Papel ng Mga Misyonero sa Pagkakatatag ng Pamamahala ng Mga Espanyol sa Pilipinas. (3 - 4) 3. Marami sa kanila ang gumawa ng plano ng mga bayan o pueblo. 4. Tumulong din sila sa kabuhayan dahil nagpasok sila ng mga bagong halaman at hayop at nagturo ng bagong paraan ng pagtatanim.
Ang Ginampanang Papel ng Mga Misyonero sa Pagkakatatag ng Pamamahala ng Mga Espanyol sa Pilipinas. (#5) 5. Bukod sa mga opisyal ng pamahalaan, ang mga misyonero ang tanging mga Espanyol sa kanayunan.
Ang Katangian ng Mga Relihiyosong Misyonero sa Pagpapalaganap ng Pananampalataya Karamihan sa kanila ay naging tapat at totoo sa kanilang hangarin kaya marami silang nahikayat na katutubo na maging Katoliko.
Ang pinakamataas na pinuno ng Simbahan sa Pilipinas ARSOBISPO
Pansamantalang humahawak ng posisyon ng gobernador-heneral kapag ito ay nabakante. ARSOBISPO
Mga Obispong pansamantalang naging Gobernador-heneral 1. Arsobispo Francisco dela Cuesta 2. Arsobispo Manuel Antonio Rojo
Ang katulong ng Arsobispo sa pagpapalakad ng Simbahan. Namumuno sa isang diocese o diyosesis. OBISPO
Rehiyon o lugar na pinamumunuan o nasa pamamahala ng isang obispo. Nahahati sa mga parokya. DIOCESE O DIYOSESIS
Bumubuo ng isang diyosesis. Pinamumunuan ng kura-parroko. PAROKYA
Ang Pangunahing Tungkulin ng Mga Prayle Ang ituro sa mga katutubo ang relihiyong Kristiyanismo (Katolisismo).
Mga Tungkulin ng Mga Prayle (1 - 3) 1. Magtayo ng mga simbahan at paaralan. 2. Manguna sa pagsasagawa ng mga Sakramento ng Simbahan kasama na ang Kumpisal. 3. Nagkakaroon ng kapangyarihang maningil o mangolekta ng buwis.
Mga Tungkulin ng Mga Prayle (4 - 6) 4. Magplano at magsaayos ng mga gawain sa paaralan. 5. Mamahala sa mga eleksyon. 6. Magsagawa ng mga gawaing pangkawanggawa upang makapagpatayo ng mga Simbahan.
Mga Tungkulin ng Mga Prayle (7 - 8) 7. Sila ang nagdedesisyon sa mga kaso hinggil sa mga paglabag sa mga utos o batas ng Simbahan. 8. Pinarurusahan nila at ipinatatapon ang mga taong mapatutunayang nagkasala sa Simbahan.
Mga Nagawa ng Mga Prayle sa Pilipinas Maraming katutubong Pilipino ang naniwala sa kanilang mga turo at di nagtagal ay nagpabinyag. Lumalim ang kanilang pananampalataya sa bagong relihiyon at ang pananampalataya nila ay ipinasa sa mga sumunod pang henerasyon.
Ang Negatibong Epekto ng Tungkuling Pamamahala ng Ibang Mga Prayle Ang ibang mga prayleng itinalaga sa posisyon at pinagkalooban ng malaking kapangyarihan ay naging abusado sa kanilang panunungkulan.
Ang Hindi Nagustuhan ng Mga Pilipino sa Mga Ginawa ng Ibang Mga Prayle Magpaaresto ng mga Pilipinong hindi sumusunod sa kanila at ipinatapon ang ilan sa malalayong lugar.
Tawag sa mga taong lumalaban sa pamahalaan. FILIBUSTERO
Epekto ng Pang-aabuso ng Ibang Mga Prayle 1. Nanumbalik ang iba sa kinagisnang relihiyon. 2. Nagresulta ito sa panrelihiyong paghihimagsik.
Halimbawa ng Panrelihiyong Paghihimagsik Pag-aalsa nina: 1. Hermano Pule 2. Tamblot 3. Dagohoy 4. At iba pa.
Ang Mga Reaksyon At Mga Bunga ng Pagtuturo ng Mga Misyonero (1 - 3) 1. Nagbago ang pagpapahalaga at ugali ng ating mga ninuno sunod sa turo ng mga misyonero. 2. Ang mga bata ay mas namulat sa pagsunod sa magulang. 3. Sila'y mas naging mapagmahal at mapagpatawad sa kapwa.
Ang Mga Reaksyon At Mga Bunga ng Pagtuturo ng Mga Misyonero (4 - 5) 4. Naging parte sa kanilang buhay ang pagkakawanggawa at pagtulong sa Simbahan at nangangailangan. 5. Namulat sila sa pagsunod sa utos ng Diyos at pagkakapantay-pantay, ang pagbawal sa pag-aasawa ng marami, pang-aalipin, at paniniwala sa ibang relihiyon.
Ang Epekto ng Mga Gawain ng Mga Relihiyosong Misyonero sa Mindanao (#1) 1. Lubos na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao ang mga gawain ng mga Kristiyanong misyonero kaya hindi sila nagtagumpay na maakit sila sa Kristiyanismo.
Ang Epekto ng Mga Gawain ng Mga Relihiyosong Misyonero sa Mindanao (#2) 2. Ito ang rason kung bakit nabigo ang mga Espanyol na masakop ang malaking bahagi ng Mindanao.
Taong nagsimula ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas. 1565
Taong natapos ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas. 1898
Taong itinatagal ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. 333 taon
Taong naging pormal na kolonya ng Espanya ang Pilipinas. 1571
Ang Pagbabago sa buhay ng mga katutubo pagkatapos dumating ang mga Misyonerong Kristiyano Natutuhan nilang sumamba sa Diyos ng mga Kristiyano
Mga taong ipinadala sa ibang lugar upang magpahayag ng kanilang pananampalataya ang paniniwalang panrelihiyon. MISYONERO
Show full summary Hide full summary

Similar

Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije
Grade 5 music theory - Italian terms
Sarah Hyde
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Problema ni Moymoy Matsing
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios)
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 1: Tatay Felix, Huwarang Ama
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Nasayang na Kahilingan
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga
Rose Tabije