Created by Rose Tabije
about 5 years ago
|
||
Question | Answer |
Sistemang itinatag para maging organisado ang panahanan ng mga sinaunang Pilipino. Sistemang nagbigay-daan sa isang sentralisadong pamahalaan. | SISTEMANG REDUCCION |
Uri ng pamahalaang itinatag at pinamumunuan ng gobernador-heneral na namumuno sa buong Pilipinas. | SENTRALISADONG PAMAHALAAN |
Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. | BARANGAY |
Binubuo ng pinagsama-samang barangay. | PUEBLO O BAYAN |
Binubuo ng pinagsama-samang pueblo o bayan. | LALAWIGAN |
Mga Pagbabago sa Panahanan ng Mga Pilipino Noong Panahon ng Mga Espanyol | 1. Ang mga bahay na dating yari sa kahoy at pawid ay naging bato o tisa. 2. Ang mga bintana ay malalaki at may rehas. 3. May mga silid, sala, komedor, at balkonahe/asotea, at batalan. |
Ang Kinajinatnan ng Mga Bahay Kubo Noong Panahon ng Mga Espanyol | May mga bahay kubo pa rin noon dahil hindi lahat ng lugar sa bansa ay nasakop ng mga Espanyol sa sobrang layo o liblib ng lugar. |
Ang unang obispo at unang nagpagawa ng isang gusaling yari sa bato sa Pilipinas. | PADRE DOMINGO SALAZAR |
Ang Pagbabago sa Panlipunang Pamumuhay ng Mga Pilipino Bunga ng Paglaganap ng Kristiyanismo o Katolisismo sa Bansa | Higit na naituro sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pamilya at maging ang gampanin ng bawat kasapi nito. |
Ang haligi at ulo ng tahanan. Tagapagtaguyod ng seguridad at kaligtasan ng buong pamilya. | AMA |
Ang itinuturing na ilaw ng tahanan. Ang nakakaalam ng lahat ng mga gawaing-bahay. | INA |
Ang nagsisilbing tagapag-ingat sa lahat ng kayamanan at mga katangian at nagsisilbing ng mga anak. | INA |
Ang itinuturing na biyaya mula sa Maykapal. Ang tinuturuan at sinasanay na maging magalang at masunurin sa magulang. | MGA ANAK |
Ang anak na sinasanay ng ama sa paghahanapbuhay. | ANAK NA LALAKI |
Ang anak na tinuturuan sa mga gawaing-bahay. | ANAK NA BABAE |
Ang Mga lba't-ibang Antas ng Mga Naninirahan sa Pilipinas (Mga Dugong Espanyol) Noong Panahon ng Mga Espanyol | 1. Peninsulares 2. Insulares/Criollo 3. Mestizo 4. Gitnang-uri |
Mga Espanyol na isinilang sa Espanya pero sa Pilipinas naninirahan. Ang kinikilalang may pinakamataas na katayuan sa lipunan. | PENINSULARES |
Mga Espanyol na isinilang at naninirahan sa Pilipinas. Ang pumapangalawa sa mga Peninsulares sa katayuan sa lipunan. | INSULARES |
Ang lahing nabuo mula sa mga magulang na katutubong Pilipino at ibang lahi tulad ng Tsino o Espanyol. | MESTIZO |
Ang pangkat ng mga taong nagkaroon ng maayos na pamumuhay kaya nakapagpag-aral ng kanilang mga anak sa Pilipinas o maging sa Europa. | MGA GITNANG-URI |
Binubuo ng mga negosyante, doctor, guro, manunulat, at mga may-ari ng lupa. | MGA GITNANG-URI |
Tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa. | ILUSTRADO |
Sa hanay ng mga Pilipino , sila'y itinuring na kapantay ng mga mestizo noon. Sila ay kabilang sa mataas na antas sa lipunan na nagtatamasa ng mga pribilehiyo at mga karapatan. | PRINCIPALIA |
Kinabibilangan ng angkan ng mga dating datu at maharlika, mga lokal na opisyal, mga mamamayang mangangalakal o haciendero sa bansa. | PRINCIPALIA |
Ang pangkat ng mga tagapangasiwa ng lupa ng hindi nila pag-aari. | INQUILINO |
Sila ay nabigyan ng pagkakataong umupa ng mga taong makatutulong sa paglinang ng lupa kaya't angat sila ng konti sa mga karaniwang tao. | INQUILINO |
Bumubuo sa higit na malaking bahagdan ng tao sa lipunan at kakaunti ang tinatamasang karapatan at pribilehiyo. Binubuo ng mga manggagawa at mga magsasaka. | KARANIWANG TAO O INDIO |
Sila ay mga katutubong Pilipinong itinuturing ng mga Espanyol na mababang-uri ng tao sa lipunan. Nagkaroon ng negatibong kahulugan na ibig sabihin ay tamad, mangmang, at alipin. | INDIO |
Ang itinuturing na Pilipino noong panahon ng mga Espanyol bago itinuring na rin ang mga Indio. | INSULARES |
Ang Mga lba't-ibang Antas ng Mga Naninirahan sa Pilipinas (Mga Dugong Pilipino) Noong Panahon ng Mga Espanyol | 1. Principalia 2. Inquilino 3. Mga Karaniwang Tao o Indio |
Ang Kalagayan ng Mga Babae sa Lipunan Noong Panahon ng Mga Espanyol (1 - 2) | 1. Lalong tumaas ang kanilang katayuan sa lipunan sapagkat sila'y nirerespeto ng lahat ng mga kalalakihan. 2. Malaya silang nakalalahok sa mga gawain sa pangangalakal. |
Ang Kalagayan ng Mga Babae sa Lipunan Noong Panahon ng Mga Espanyol (3 - 4) | 3. Ang mga babaeng walang asawa ay lubos na iniingatan. Mayroon silang kasama o taga-bantay sa mga pagtitipon. 4. Hindi sila basta-basta maaring makihalubilo sa mga kalalakihan. |
Isang bidang babae sa nobela ni Dr. Jose Rizal na nagpapakita ng kalagayan at katangian ng isang babaeng Pilipina noong panahon ng mga Espanyol. Babaeng iginagalang at minamahal ng marami, mahinhin, malambing, at tunay na maka-Diyos. | MARIA CLARA |
Ang Edukasyon ng Mga Babae Noong Panahon ng Mga Espanyol | Sila ay hindi maaaring makapag-aral sa mga unibersidad at makakuha ng kursong abogasya, medisina, at iba pa ngunit binigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga kolehiyo at beateriong eksklusibong para sa kababaihan. |
Dalawang Uri ng Paaralan Para sa Mga Kababaihan | 1. KOLEHIYO 2. BEATERIO |
Regular na paaralan para sa mga kababaihan. | KOLEHIYO |
Ang Mga Itinatag na Kolehiyo Para sa Kababaihan sa Pilipinas | 1. Colegio de Santa Potenciana (1589) 2. Colegio de Santa Isabel (1632) 3. Colegio de Santa Rosa (1750) 4. Colegio de la Concordia (1868) 5. Assumption Convent (1892) |
Ang unang kolehiyo para sa mga babae na itinatag noong 1589. | COLEGIO DE SANTA POTENCIANA |
Ang pinakamatandang kolehiyo ng mga babae sa Pilipinas. | COLEGIO DE SANTA POTENCIANA |
Taong pinagsanib ang Colegio de Santa Isabel at Colegio de Santa Potenciana. | 1866 |
Ang Mungkahi Para sa Mga Kababaihang Walang Balak Mag-asawa | Binibigyan ng pagkakataong magmadre at iaalay ang kanilang buhay at panahon sa Diyos. |
Ang paaralang eksklusibo para sa mga kababaihan na ang karaniwang itinuturo ay ang pagluluto, pagbuburda, pagsunod sa kagandahang asal, at musika. | BEATERIO |
Ang Mga Itinatag na Beaterio Para sa Mga Kababaihan sa Pilipinas | 1. Beaterio de la Compania de Jesus (1684) 2. Beaterio de Santa Catalina (1696) 3. Beaterio de San Sebastian (1719) |
Ang beateriong itinatag sa pangunguna ng madre na si Mother Ignacia del Espiritu Santo na kilala ngayon bilang Saint Mary's College sa Lungsod ng Quezon. | BEATERIO DE LA COMPANIA DE JESUS |
Ang Edukasyon sa Pilipinas Noong Panahon ng Mga Espanyol | Noong unang panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay walang karapatang mag-aaral sa mga paaralang Espanyol. |
Isang dekreto o batas na ipinalabas noong 1863 tungkol sa pagbubukas ng mga paaralang pampubliko para sa kalalakihan at iba pang paaralang pampubliko para sa kababaihan. | Education Decree of 1863 |
Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (1 - 2) | 1. Magkaiba ang paaralan ng kalalakihan at kababaihan. 2. Ang pamahalaan ang siyang namuno sa mga pampublikong paaralan para sa lahat Espanyol o Pilipino, mayaman o mahirap. |
Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#3) | 3. Nagkaroon ng paaralang normal na nagsasanay sa mga lalaki na nais maging guro Ang kurso ay tinatapos sa loob ng tatlong taon. Ang mga nagtatapos na guro ay hinihirang na maging guro sa mga paaralang-bayan. |
Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#4) | 4. Noong 1892, nagpalabas ng dekreto sa pagkakatatag ng paaralang normal para sa mga babae na pinamamahalaan ng mga madre ng Assumption. |
Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#5) | 5. Nagkaroon din ng mga paaralang bokasyonal na nagturo ng tamang paraan ng pagtatanim, pagkakarpintero, at pagpipinta para sa mga lalaki at pananahi at pagbuburda para sa mga babae. |
Ang Mga Pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos ng Panahon ng Kolonyang Espanyol (1 - 2) | 1. Hanggang ngayon ay may mga paaralan pa ring eksklusibo para sa mga lalaki at babae lamang. 2. Pinapayagan ngayong mag-aaral ang mga babae sa unibersidad. |
Ang Mga Pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos ng Panahon ng Kolonyang Espanyol (#3) | 3. Ang Unibersidad ng Santo Tomas na dati'y panlalaki lamang ay tumatanggap na rin ng mga mag-aaral na babae at lalaki. |
Balkonahe ng bahay na kalimitang yari sa bato o kongkreto. | ASOTEA |
Matinding pagmamahal sa bayan. | NASYONALISMO |
Uri ng paaralang pinamamahalaan ng pamahalaang bukas para sa lahat ng mamamayan at walang bayad. | PAARALANG PAMPUBLIKO |
Parte ng bahay kubo na pinagpapaliguan at pinaghugasan ng mga kagamitan. | BATALAN |
Isang uri ng kurso o pag aaral na may kaugnayan sa prinsipyo o kaisipan ng katotohanan at kalayaan ng buhay. | PILOSOPIYA |
Isang uri ng kurso o pag-aaral na may kaugnayan sa relihiyon o pananampalataya. | TEOLOHIYA |
Want to create your own Flashcards for free with GoConqr? Learn more.